Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

KAAYUSAN SA TRAPIKO

Bilang tugon sa pangangailangang mapabuti ang daloy ng trapiko sa bayan ng Porac, nagpatawag ng pulong si Mayor Jing Capil upang ilatag ang mga kinakailangang inisyatibo para sa kaayusan sa trapiko. Kanyang pinulong ang mga Porac Public Transportation and Management Office (PTMO) at Public Order and Safety Office (POSO).
Upang higit pang mapalakas ang implementasyon ng mga patakaran sa trapiko, humingi ng gabay si Mayor Capil mula sa Porac PNP sa pamumuno ni Chief of Police PLTCOL Romeo Castro. Bilang tugon, pansamantalang itinalaga si Deputy Chief of Police PCpt Roy Cabrera upang magbigay ng direktang gabay at pagsasanay sa mga enforcers para mapahusay ang kanilang pagganap sa tungkulin.
Katuwang sa layuning ito sina Engr. Glenn Lansangan, Mr. Arwin Gomez bilang private adviser, at si Mr. Juanito Serrano na itinalagang maging katuwang ni PCpt Cabrera sa pagpapatupad ng mas epektibong sistema ng trapiko.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1EboSHpe6i/

Official Website of Municipality of Porac