Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

KAKULANGAN SA MGA ESKWELAHAN SA PORAC, PUPUNAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN

Prayoridad umano ni Porac Vice Mayor Jen Capil ang muling pag-iikot sa mga public school sa bayan. Ito ay upang makakuha ng initial assessment ukol sa mga pangunahing kakulangan ng mga paaralan na maaaring maisama sa kanilang executive at legislative agenda.
Ayon sa bise alkalde, bilang isang dating youth leader, mahalaga ang direktang pakikipag-usap sa mga estudyante at magulang—lalo na sa mga liblib na bahagi ng Porac—upang tunay na marinig ang kanilang mga hinaing.
Inaasahang isasagawa ng Sangguniang Bayan ang una nilang regular session sa July 15. Isa raw itong makasaysayang yugto dahil sa unang pagkakataon, kasama ni VM Jen na mamumuno sa bayan ang amang si Mayor Jing Capil. | via Paulo Gee Santos, CLTV36 News
#CLTV36News #CLTV36NewsBites
#CLTV36NewsDigital

Click here:https://www.facebook.com/share/p/19maTnj2sD/

Official Website of Municipality of Porac