Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

“Kaligtasan para sa mga Poraqueño”

Bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang epekto ng Typhoon Danas at sa panahon ng tag-ulan, nagpatawag ng pagpupulong si Mayor Jing Capil kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang talakayin ang mga hakbang para sa kaligtasan ng mga mamamayan ng Porac.
Dumalo sa nasabing pagpupulong sina Konsehal Adrian “Papay” Carreon, Konsehal Jovy Venzon, Konsehal RC Canlapan, MLGOO Ma’am Rita Gotiangco, Mayor’s Office Staffs, kinatawan mula sa Rural Health Unit (RHU), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Engineering Department.
Layunin ng pagpupulong na matiyak ang kahandaan ng bawat ahensya at tanggapan sa posibleng epekto ng kalamidad, at maprotektahan ang buhay at ari-arian ng bawat Poraqueño.

PLEASE CLICK LINK FOR MORE:

https://www.facebook.com/share/p/16hLxR8BqR/

Official Website of Municipality of Porac