Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

KAPIHAN WITH WALTERMART PORAC

Dumalo sina Mayor Jaime “Jing” Capil at Vice Mayor Jen Capil sa imbitasyon ng WalterMart Porac para sa isang “Kapihan” na ginanap sa Reca Resort, bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng mall.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga kinakailangang compliance at iba pang mga hakbang upang matiyak ang pagsunod ng WalterMart Porac sa mga patakaran at regulasyon ng Pamahalaang Bayan ng Porac.
Nakiisa rin sa talakayan sina Coun. Adrian “Papay” Carreon, Coun. Rafael “RC” Canlapan, at ang mga kaugnay na Department Heads na nangangasiwa sa mga regulasyon ng munisipyo.
Layunin ng pagpupulong na palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor upang matiyak ang maayos na operasyon ng mall at ang pagsunod sa mga umiiral na ordinansa at regulasyon para sa kapakanan ng mamamayan ng Porac.
 
 
Official Website of Municipality of Porac