“Kung uunlad ang kapatagan, hindi maiiwan ang kabundukan.”
Ito ang mensahe ni Mayor Jing Capil sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s Month ngayong araw — isang paalala na ang tunay na progreso ay dapat maramdaman ng lahat, saan mang bahagi ng bayan.
Ipinahayag din ni Mayor Capil ang taos-pusong pasasalamat sa ating mga kapatid na katutubo sa kanilang patuloy na ambag sa kultura, kalikasan, at pagkakaisa ng Porac.
Kasama rin sa pagdiriwang sina Vice Mayor Jen Capil, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga panauhin mula sa University of the Philippines–Manila at HOPE Project Foundation.
CLICK HERE;https://www.facebook.com/share/p/1EX3NULQrA/



