Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

LINGGUHANG FLAG RAISING CEREMONY | AGOSTO 17, 2026

LINGGUHANG FLAG RAISING CEREMONY | AGOSTO 17, 2026
Isinagawa ngayong Lunes ang lingguhang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng Tanggapan ng Punong Bayan, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at patuloy na paninindigan sa tapat, matino, at mahusay na paglilingkod sa mamamayang Poraqueno.
Kasabay nito, pormal ding inilunsad ng Tanggapan ng Pangkalusugan ng Bayan ang Ligtas Tigdas, isang programang naglalayong palakasin ang proteksiyon ng mga bata laban sa tigdas sa pamamagitan ng pagbabakuna at maagap na pangangalaga sa kalusugan.
Sa kanyang mensahe, hinimok ni Bise Alkalde Jen Capil ang lahat ng mamamayan na manatiling maingat at mapagbantay bunsod ng sunod-sunod na pag-ulan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan at pakikiisa sa mga programang naglalayong makatulong sa kapwa.
Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Bloodletting Drive ng Lokal na Pamahalaan ng Porac sa Agosto 20. Sa simpleng pag-aalay ng dugo, maaari tayong maging dahilan upang mailigtas ang buhay ng isang kapwa Poraqueno.
Sama-sama sa kaligtasan. Sama-sama sa kalusugan. Sama-sama sa serbisyong may malasakit para sa Bayung Porac.
Matino. Mahusay. May Takot sa Diyos.

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/19Sj9i2pXB/ 

Official Website of Municipality of Porac