Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

LOCAL DEVELOPMENT COUNCIL (LDC) 2ND SEMESTRAL MEETING

Pinangunahan ni Mayor Jaime “Jing” Capil, Chairman ng Local Development Council (LDC), kasama si Vice Mayor Jen Capil, Vice Chairman ng LDC, si Coun. Jovy Venzon, ABC President Joel Capil, at mga Punong Barangay ang 2nd Semestral Meeting ng Local Development Council.
Mga Tinalakay na Agenda:
1. Pag-apruba at pag-endorso sa Sangguniang Bayan (SB) ng Annual Investment Program (AIP) 2027
Ang AIP ay naglalaman ng mga programa, proyekto, at aktibidad na isasagawa ng Lokal na Pamahalaan para sa taong 2027. Ito rin ang magsisilbing batayan sa pagbuo ng Annual Budget 2027 ng LGU.
2. Pag-endorso sa Sangguniang Bayan ng kahilingan para sa reclassification ng ilang proposed development projects sa bayan ng Porac, kabilang ang: • Mawing Residences Phase 2 – Barangay Sta. Cruz
• Proposed Residential Area – Barangay Salu
Patuloy ang pagtutulungan ng Local Development Council at mga Barangay sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang makatutugon sa pangangailangan at patuloy na pag-unlad ng Bayung Porac.
 
 
Official Website of Municipality of Porac