Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Love Makes a Family: Paninindigan para sa Kinabukasan ng Ating mga Bata

Buong pagmamalaking dumalo ang Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office ng Pamahalaang Bayan ng Porac, sa pangunguna ng ating butihing Municipal Mayor, Hon. Jaime “Jing” V. Capil, sa Ceremonial Signing of the Memorandum of Agreement (MOA) para sa programang “Love Makes a Family.”
Ang makabuluhang programa ay pinangunahan ng National Authority for Child Care (NACC) sa pamamagitan ng Regional Alternative Child Care Office (RACCO) Region III, na naglalayong palakasin ang mga programa at inisyatiba para sa alternatibong pangangalaga at kapakanan ng mga bata.
Ang paglagda sa kasunduang ito ay patunay ng patuloy na paninindigan ng Pamahalaang Bayan ng Porac na pangalagaan, protektahan, at itaguyod ang mga karapatan at kapakanan ng bawat bata.
 
 
Official Website of Municipality of Porac