
Lubos na nagpapasalamat si Mayor Jaime “Jing” V. Capil sa Reliever Team ng PhilSys Pampanga
Lubos na nagpapasalamat si Mayor Jaime “Jing” V. Capil sa reliever team ng PhilSys Pampanga na nagpaunlak ng ilang araw upang tulungan ang PhilSys Porac sa registration para sa Philippine Id ng mga Poraqueño. Bilang pasasalamat, sinamahan ni PhilSys Porac Focal Person Taps Laxamana ang reliever team sa Tarik View Deck ng Villa Maria, Porac. Mainit silang tinanggap ni Kap. Benzon King Jr. ng Inararo, Porac sa pamamagitan ng paghain ng tradisyunal na lutong Binulu ng Porac.