Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Magandang gabi mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Miyerkules (May 26, 2021) sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19

Labing-siyam (19) na mga kabalen natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19!

Malungkot din namin ibalita na isa (1) sa mga bagong kaso ang nasawi. Kami po ay nakikiramay sa pamilyang naulila.

Samantala, apat (4) na mga kabalen natin ang nadagdag sa mga gumaling at nakarecover!
____________________________________
MGA PAALALA:
HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.
IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.
MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.
Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .
Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.
*Official data and information content source:
Municipal Health Office
#StaySafe
#TogetherWeBeatCOVID19

Official Website of Municipality of Porac