Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Mahal kong Poraqueños.

Ikinalulungkot ko po ang desisyon ng Second Division ng Commission on Election (Comelec) ukol sa aking Disqualification Case. Gayunpaman, hindi pa po ito final at naghain po ang aming legal team ng kaukulang Motion for Reconsideration sa Comelec kaugnay ng aking kaso. Ang Disqualification Case ay base sa aking kaso sa Ombudsman na hindi pa rin final dahil dinidinig pa po ng Ombudsman ang aming MR duon. Kung kaya ay labis na ikinagulat namin ang naging desisyon na ito ng 2nd Division ng Comelec sa kabila ng desisyon ng Supreme Court na nag issue ng TRO at pinahintulutan na makahabol at makapagsilbi ang katulad ko na may DQ case na wala pang Final Decision.
Ngayong araw pong ito, May 30, 2025, tayo po ay naghain na ng Motion for Reconsideration (MR) sa tangapan ng COMELEC sa Intramuros, Manila.

Para po sa Kaalaman ng lahat, ang COMELEC Resolution No. 11044-A, na nagsasaad na disqualified ang lahat na mga kandidato na may DQ cases ay naSuspend ang Implementation dahil
naglabas naman ang Supreme Court ng isang Temporary Restraining Order (TRO) na nagsantabi sa order ng COMELEC na alisin ang mga kandidato na may DQ cases at payagang muling kumandidato at maihalal ang mga kandidatong may kaso hangga’t hindi pa Final and Executory ang Decision ng Supreme Court.

Noong, May 12, 2025, sa patuloy na pagtitiwala nyo po sa akin, tayo ay nai-proklama na ng COMELEC bilang duly elected Mayor ng Porac.

Malinaw po ang naging Hatol at Mandato ng Poraqueños. Ipaglalaban po natin ang karapatan ng taong bayan na nag halal sa atin bilang mayor. Sa pamamagitan po ng Motion for Reconsideration at lahat ng Legal Remedies, isusulong po natin ang ating karapatan bilang halal na mayor ng Porac.

SA AKING KATUNGGALI, MAATIM MO BA NA MAUPO NA WALANG MANDATO NG TAONG BAYAN?

Gayunpaman, hinihikayat ko po ang aking mga supporters na maging mahinahon at dumaan po tayo sa proseso ng batas. Samahan nyo po ako manalangin na ang aming mga legal arguments ay dinggin at kalaunan ang pasya pa rin ng taongbayan na ako ay makaupo at makapaglingkod sa inyo bilang Mayor ang katigan ng batas. Noong Mayo 22, 2025, ako po kasama sila Coun. Jovy Venzon at Coun. Papay Carreon ay nanumpa na bilang inyong Mayor sa harap ng ating ABC President, Coun. Joel Capil.

Maraming Salamat po sa walang hangang pagmamahal nyo po sakin.

JING CAPIL
Mayor-elect

Reference:
https://www.facebook.com/share/p/1EiGRvoVR9/

Official Website of Municipality of Porac