Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Malugod na sinalubong nina Mayor Jing Capil, Vice Mayor Jen Capil at SB Members si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Bayan ng Porac.

Personal na binisita ng Kalihim ang isa sa mga evacuation centers upang kumustahin ang kalagayan ng ating mga kababayang evacuees at maghatid ng kinakailangang tulong at suporta sa mga pamilyang pansamantalang lumikas dahil sa masamang panahon.
Ang pagbisitang ito ay patunay ng pagtutulungan ng Pamahalaang Lokal ng Porac at ng Pambansang Pamahalaan sa pagtiyak na patuloy na nabibigyan ng agarang ayuda, kalinga, at suporta ang bawat pamilyang nangangailangan.
 
 
Official Website of Municipality of Porac