March 30, 2026 – Flag Raising Ceremony
Idinaos ang Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa pangangasiwa ng Municipal Assessor’s Office. Ibinahagi ng tanggapan ang kanilang accomplishment report at mga kasalukuyang inisyatibo na nakatuon sa patuloy na pag-unlad at paglago ng bayan ng Porac.
Kasabay nito, binigyang pagkilala naman ang Tourism Office para sa kanilang tagumpay at mga natanggap na parangal sa TRES Awards. Isang patunay sa dedikasyon ng tanggapan sa pagsusulong ng turismo at kultura ng Porac.
Sa mensahe ni Acting Mayor Hon. Jen Capil, ipinaabot niya ang kanyang taos-pusong pagbati ng isang mapayapang Semana Santa para sa lahat. Pinaalalahanan din niya ang bawat isa na magnilay-nilay at magingat sa panahon ng paggunita ng Semana Santa.
CLICK HERE;https://www.facebook.com/share/p/16obsxpqsW/









