MASAYANG PAKIKIBAHAGI SA INDEDUCTION NG SELG AT SPTA OFFICERS!
Ngayong araw, masayang dumalo at nanguna si Mayor Jing Capil sa induction ceremony ng mga bagong halal na SELG at SPTA Officers ng Babo Pangulo Elementary School.
Isang mahalagang hakbang ang pagkakaisa ng paaralan, mga magulang, at komunidad upang patuloy na maisulong ang kapakanan at kinabukasan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at suporta, mas nagiging matatag ang ating mga paaralan at mas nagiging makabuluhan ang serbisyong para sa bawat batang Poraqueño.
Mabuhay ang mga bagong SELG at SPTA Officers! Nawa’y maging makabuluhan ang inyong panunungkulan at maging katuwang sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1F7v8stygv/