Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Masayang tinanggap ni Mayor Jing Capil ang plake ng pagkilala mula kay DILG Provincial Director Myra B. Moral-Soriano, CESO V

Masayang tinanggap ni Mayor Jing Capil ang plake ng pagkilala mula kay DILG Provincial Director Myra B. Moral-Soriano, CESO V, bilang pagkilala sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at inisyatiba na naglalayong itaguyod ang isang Child-Friendly Local Government, alinsunod sa mga pamantayan ng Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA).
 
Ang pagkilalang ito ay patunay sa mahusay, may malasakit, at responsableng pamumuno ni Mayor Jing bilang Local Chief Executive, na patuloy na nagbibigay-prayoridad sa kapakanan, karapatan, kaligtasan, at kinabukasan ng mga kabataan.
 
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, patuloy na isinusulong ang mga programang lumilikha ng ligtas, inklusibo, at makabuluhang kapaligiran kung saan ang bawat bata ay napapakinggan, napoprotektahan, at nabibigyan ng pagkakataong umunlad.
 
Isang pagkilalang sumasalamin sa pamumunong may puso, para sa bawat bata, para sa bawat pamilya, at para sa mas magandang kinabukasan.
 
Official Website of Municipality of Porac