Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

May 11, 2026 – Flag Raising Ceremony

Isinagawa ang Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa pangangasiwa ng General Services and Procurement Office (GSPO) na naglahad ng kanilang mga pangunahing inisyatiba at accomplishment report. Maligayang nagtanong ng mga trivia questions ang tanggapan kung saan makakatanggap ng papremyo ang mga municipal employees na nakasagot.
Dinaluhan ito nina Acting Municipal Mayor Hon. Trisha Angelie G. Capil, Acting Municipal Vice Mayor Hon. Rafael Canlapan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga kawani ng LGU.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Acting Mayor Trisha Angelie G. Capil ang kahalagahan ng masusing pag-aaral at pagbuo ng mga epektibong solusyon sa mga usapin kaugnay ng suplay ng tubig at transportasyon sa bayan ng Porac. Tiniyak din niya na nananatiling bukas ang Pamahalaang Bayan ng Porac sa mga hinaing at pangangailangan ng mamamayan, at patuloy itong nagsasagawa ng mga hakbang upang matugunan ang mga naturang suliranin.
Nagpaabot rin siya ng taos-pusong pagbati ng isang maligayang Mother’s Day sa lahat ng mga ina, gayundin nagpasalamat siya sa mga ahensya na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng Health & Wellness Caravan para sa Poraquenian Nanays.
Sama-sama, walang maiiwan sa pag-usbong at progreso sa Bayung Porac.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CwtxCNGqS/

Official Website of Municipality of Porac