MAYOR-ELECT JING CAPIL NG PORAC, NAGHAIN NG MOTION FOR RECONSIDERATION; MANANATILING MAYOR-ELECT NG BAYAN
Natanggap na ni Election Officer IV Lizette S. Mallari ng Comelec Porac ang kopya ng Motion for Reconsideration ni Mayor Jaime “Jing” Capil kaugnay ng kanyang disqualification case mula mismo sa Clerk of the Commission.
Matatandaang isang resolusyon ang inilabas ng Comelec Second Division na nag-uutos sa Municipal Board of Canvassers na iproklama si Mike Tapang bilang nanalong alkalde ng Porac.
Ngunit dahil sa inihain na Motion for Reconsideration, si Mayor Jing Capil pa rin ang nanunungkulan sa kasalukuyan at wala munang proklamasyon na magaganap sa June 3, 2025. | via Paulo Gee Santos, CLTV36 News
Comelec Porac
#CLTV36News #CLTV36NewsBites
#CLTV36NewsDigital
Reference:
https://www.facebook.com/share/p/12MNAr3EKdB/