MAYOR JING CAPIL, DUMALO SA MGA MAHALAGANG PAGPUPULONG NG LALAWIGAN
Ngayong araw, dumalo si Mayor Jaime “Jing” V. Capil sa Joint Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) Meeting na ginanap sa Kingsborough International Convention Center, City of San Fernando, Pampanga.
Sinundan ito ng Provincial Development Council (PDC) Meeting, kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin at mga programa para sa patuloy na pag-unlad at kapakanan ng mga mamamayan ng lalawigan ng Pampanga.
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga pagpupulong na ito, patuloy na nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Porac sa mga hakbangin ng Pamahalaang Panlalawigan para sa kapayapaan, seguridad, kaayusan, at tuloy-tuloy na pag-unlad ng Pampanga.