Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

MAYOR JING CAPIL, PERSONAL NA KINUMUSTA ANG MGA APEKTADONG PAMILYA SA BARANGAY HACIENDA DOLORES

 
 

MAYOR JING CAPIL, PERSONAL NA KINUMUSTA ANG MGA APEKTADONG PAMILYA SA BARANGAY HACIENDA DOLORES Personal na binisita at kinumusta ni Mayor Jing Capil ang mga pamilyang naapektuhan sa Barangay Hacienda Dolores kasunod ng pagkasira ng slope protection na nagsisilbing proteksiyon sa mga kabahayan sa lugar. Sa kanyang pagbisita, sinuri ng Punong Bayan ang kasalukuyang kalagayan ng mga residente at ang lawak ng pinsalang dulot ng insidente. Binigyang-pansin din ang agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya upang matiyak ang kanilang kaligtasan at kapakanan. Bilang bahagi ng agarang pagtugon ng lokal na pamahalaan, naghatid din ng tulong at kinakailangang suporta sa mga pamilyang naapektuhan, kasabay ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan para sa kaukulang assessment at mga susunod na hakbang. Patuloy ang Bayung Porac sa mabilis at makataong pagtugon sa bawat hamon, lalo na sa panahon ng kalamidad. Sa bawat pagbisita, pakikinig, at pagtugon, pinananatili ng lokal na pamahalaan ang paninindigang walang Poraqueno ang maiiwan sa panahon ng pangangailangan.

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/19D5gFF8gw/

Official Website of Municipality of Porac