Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Mayor Jing Capil Pinasinayaan ang Soft Opening ng Unang Stand-Alone Hemodialysis Center sa Porac

Porac, Pampanga – Sa pangunguna ni Mayor Jing Capil, kasama si Vice Mayor Francis “Budoy” Tamayo at mga SB Members na sina Coun. Joy David, Coun. Jovy Venzon, Coun. RC Canlapan, Coun. Papay Carreon, Coun. Bong Buan, at Coun. Ayot Dimalanta, pinasinayaan ang soft opening ng kauna-unahang stand-alone hemodialysis center sa Porac. Isa ito sa pinakamalaking pasilidad sa Pampanga na kayang tumanggap ng hanggang 60 pasyente kada araw, na nagbibigay ng mas malapit na dialysis services sa mga residente.

Ang pasilidad ay moderno at pinamamahalaan ng mga bihasang propesyonal, handang tugunan ang pangangailangan ng mga pasyente. Ang proyekto ay bahagi ng mas malawak na plano ni Mayor Capil para sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa Porac.

Official Website of Municipality of Porac