Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Meeting sa mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC)


TINGNAN: Nagpatawag ng meeting kahit araw ng lingo si Mayor Jing Capil sa mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) para sa agarang aksyon sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng bagyong Fabian at habagat. Sa ngayon ay naghahanda ng mga relief goods at iba pang programa bilang paghahanda sa posibleng maging epekto pa ng patuloy na paguulan. Kasama din sa tinalakay ang paghahanda para sa massive vaccination na nagsimula noong Sabado. Sa ngayon ay inihahanda na ang ikalawang vaccination site sa Brgy Manibaug Libutad. Pinapayuhang laging maging handa at patuloy na sumunod sa mga tagubilin para maiwasan ang pagkalat ng Covid19.

Official Website of Municipality of Porac