Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

MOA SIGNING | PORAC LGU AND DEPED Ngayong araw, Agosto 12

MOA SIGNING | PORAC LGU AND DEPED Ngayong araw, Agosto 12 —Isang mahalagang hakbang para sa edukasyon ng mga kabataang Poraqueno ang naganap, pormal na paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Porac at Department of Education (DepEd) para sa pagtatayo ng mga bagong silid-aralan sa Bayan ng Porac. Sa pamamagitan ng kasunduang ito, layunin ng Lokal na Pamahalaan ng Porac at DepEd na matugunan ang pangangailangan sa karagdagang classroom facilities at makapagbigay ng mas maayos, ligtas, at angkop na learning environment para sa ating mga mag-aaral. Katuwang sa mahalagang hakbang na ito sina Mayor Jing Capil, DepEd Undersecretary Peter Irving Corvera, at DepEd Assistant Secretary Aurelio Paulo Bartolome. Ang MOA signing ay naisakatuparan sa suporta ng Sangguniang Bayan ng Porac, na patuloy na katuwang ni Mayor Jing Capil sa pagsusulong ng mga programang pang-edukasyon para sa ating bayan. Naging posible rin ang makabuluhang hakbang na ito sa pamamagitan ng suporta at tiwala ng ating Congresswoman at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na patuloy na nakikiisa sa mga inisyatiba para sa kapakanan at kinabukasan ng mga kabataan ng Porac. #MayorJVC #MasBayungPorac

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1CE5uv1ASY/

Official Website of Municipality of Porac