Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

“MODERN” JOSE SONGCO LAPID DISTRICT HOSPITAL, ITATAYO NA!

Mas malaki! Mas kumbinyente! At modernong ospital ang nakatakdang magserbisyo sa mga Kapampangan.

Ito ang new and modern Jose Songco Lapid District Hospital na itatayo sa bayan ng Porac, Pampanga.

Isang pangarap na naisakatuparan sa tulong ng P200- milyong pondo na inilaan ng supremo ng senado na si Senator Lito Lapid katulong si Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Bukod sa pagpopondo ng konstruksyon ng ospital, maglalaan din ang senador ng P50-milyong pondo para sa dialysis machines na ilalagay sa ospital. Bukod pa rito, magbibigay din ng pondo si Governor Delta para sa CT scan machine at iba pang diagnostic machines na ilalagay sa ospital.

Nagpasalamat din ang gobernador sa senador sa lahat ng proyektong ibinubuhos ng senador sa lalawigan kabilang na dito ang mga kabi-kabilang sports stadium, school facilities, at mga tulay sa buong lalawigan.

Kabilang sa mga opisyal na nakiisa sa groundbreaking at capsule laying ceremony sina TIEZA COO Mark Lapid, Porac Mayor Jing Capil, DPWH Regional 3 ARD Melquidez Sto Domingo, Board Member Fritzie David Dizon, mga capitol department heads, chief of hospitals, at iba pa.

: Daniel Ombina / Pampanga PIO

Official Website of Municipality of Porac