Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Municipal Health Advisory #110

Magandang hapon mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Miyerkules (September 9, 2020), sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

Pagkatapos ng ilang araw na walang reported case, may isang (1) kabalen natin sa Pio Model Community ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID 19. Hindi po ito fresh case kung hindi dati nang kaso pero hindi kaagad nairiport dahil sa miscommunication.

Narito ang resulta ng aming imbestigasyon:

August 25, 2020, naidala at naadmit siya sa isang pampublikong ospital sa Angeles City dahil masama ang kanyang pakiramdam.

August 26, 2020, ginawa ang RT-PCR swab test sa kanya.

September 2, 2020, nakarating sa amin ang balita tungkol sa kasong ito. Kaagad kaming gumawa ng verification at contact tracing. Kaagad din namin ininform ang pamunuan ng nasabing komunidad na kaagad namang umaksyon (isolation at disinfection) sa kanilang lugar.

Sa mga sumunod na araw, wala pa din kaming makuhang official result at kompirmasyon sa status ng kasong ito.

September 8, 2020, finorward sa amin ng ospital ang official result at positibo ito. Nadischarge na din ang pasyente.

Sa kasalukuyan, nakahome quarantine sya sa ibang munisipyo dito sa Pampanga.

Kahit po nalate ang reporting, hindi po nagkulang ang Porac IATF sa pangunguna ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil at mga bgy officials/BHERTS sa pangunguna ni Bgy Captain Hilario Dimalanta sa pagpapatupad ng mga health protocols kahit noon pang hindi malinaw sa amin ang kasong ito. Kaya wala po dapat ipangamba.
__________________________________

Sa kabuuan, meron na tayong animnapu’t anim (66) na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Tatlumpu’t pito (37) sa mga ito ay active cases samantalang dalawampu’t pito (27) ay nakarecover na at dalawa (2) ang nasawi. Sa kabuuang bilang na animnapu’t anim (66) na kaso, isa (1) ay nadiskubre noong Marso, tatlo (3) noong Abril, isa (1) noong Mayo, tatlo (3) noong Hulyo, apatnapu’t pito (47) noong Agosto at labing-isa (11) ngayong Setyembre.
____________________________________
Para higit ninyong masundan at maintindihan ang report na ito, maaring pakibasa din ang mga nauna na naming health advisories/medical bulletin na nakapost din dito.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.

IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📷 Porac Covid-19 Updates

Official Website of Municipality of Porac