Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

NAGKAKAISANG SERBISYO PARA SA ATING MGA KABABAYAN PORACQEÑIAN

Patuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan ng ating mga lokal na lider upang agarang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan at kasalukuyang nananatili sa evacuation centers, lalo na ang ating mga Aeta community sa Sitio Pidpid.
Pinangunahan nina Municipal Mayor Hon. Jaime “Jing” Capil at Municipal Vice Mayor Hon. Trisha Angelie “Jen” Capil ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan na sina Hon. Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Hon. Dennis “Delta” Pineda upang talakayin ang mga plano, agarang hakbang, at mga kinakailangang interbensyon para sa ating mga kababayang apektado.
Sa tulong at suporta ni Regional DSWD Director Venus Rebuldela at ng OIC Regional Director ng Office of Civil Defense (OCD) Shelby Ruiz, naipamahagi at naipagkaloob ang mga mahahalagang pangangailangan tulad ng:
Hygiene kits
Sleeping kits
Food packs
Modular tents
Iba pang pangunahing relief assistance
Ang mga tulong na ito ay hindi lamang mga pangunahing pangangailangan, kundi nagsisilbi ring sandalan at pag-asa para sa ating mga pamilyang dumaranas ng pagsubok. Sa bawat tulong na naihahatid, nababawasan ang kanilang pangamba at nararamdaman nilang hindi sila nag-iisa sa panahon ng pangangailangan.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng opisyal, ahensya, at mga katuwang na patuloy na nagkakaisa upang mapangalagaan at matulungan ang ating mga kababayan, lalo na ang mga higit na nangangailangan.
Sa pagkakaisa, malasakit, at sama-samang pagkilos, walang pamilyang maiiwan. ☝️🤙💚😇
 
 
Official Website of Municipality of Porac