Nagpulong ngayong araw ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Bayan ng Porac sa pangunguna ni Mayor Jing Capil upang paghandaan ang paparating na Super Typhoon Uwan.
Layon ng pagpupulong na matiyak ang kahandaan at kaligtasan ng bawat Poraqueño, lalo na sa mga posibleng epekto ng malakas na ulan at hangin na dulot ng bagyo.
Pinapaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mamamayan na maging alerto, mag-monitor sa mga opisyal na anunsyo, at sundin ang mga paalala ng mga awtoridad upang maiwasan ang anumang sakuna.
click here;https://www.facebook.com/share/p/16z1X1ZHAQ/




