Nagsagawa ngayong araw ng inspeksyon sa mga waterways at ilog ng Bayan ng Porac si Mayor Jing Capil
Nagsagawa ngayong araw ng inspeksyon sa mga waterways at ilog ng Bayan ng Porac si Mayor Jing Capil, kasama si Councilor Adrian Carreon, SB Chairperson on DRRM, MDRRMO Francis Caligagan, at Municipal Engineer Glenn Lansangan, upang masuri ang kondisyon ng mga daluyan ng tubig at matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng mga residente.
Kasabay ng isinagawang inspeksyon, pinangunahan din ang clearing operations sa mga waterways upang alisin ang mga sagabal at makatulong sa maayos na daloy ng tubig.
Mahigpit ding ipinaaalala sa publiko na IPINAGBABAWAL ANG PAGLIGO AT PANGANGALAKAL SA MGA ILOG AT WATERWAYS, partikular sa panahon ng masamang panahon, bilang pag-iingat sa posibleng biglaang pagtaas at pagbilis ng agos ng tubig.
Ang pamahalaang Bayan ng Porac ay patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng ating mga komunidad.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DDU3USEyU/