Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Naka Register Kana ba? Punta na sa Inyong Barangay! Pa Bakuna Kana!

Naka register kana ba? Punta na sa inyong Barangay! Pa bakuna kana!
Sa Pangunguna ni Mayor Jing Capil, tuloy tuloy po ang ating bakuna dito sa Jose Songco Lapid Sports and Civic Center, Cangatba, Porac, Pampanga.
Maraming salamat sa ating mga frontliners na patuloy na nagsasagawa ng ating vaccination program sa pangunguna ni Dr. Edgar Cornelio Dizon Lacanlale (OIC), Dr. Neil Galang San Andres MD MPH, Dr. Larry M. Fernando Chief of Hospital I, Mayors Office Staff, RHU Staff, BHW’s at ang ilang kinatawan mula sa Department of Health, Jose S. Lapid District Hospital.
Paalala:
Ang mga tinawagan at binigyan lamang ng form ang maaring pumunta at magpabakuna.
Wag kalimutang magsuot ng facemask at faceshield at panatilihin ang pisikal na distansiya pagpasok sa pagdadausan ng bakuna.
Para naman sa mga nagpalista at hindi pa natawagan, hintayin lamang po natin ang anunsyo hingil sa iskedyul tayo po ay nasa reserved list.
Para naman po sa mga hindi pa naka schedule pwede po tayong makipag-ugnayan sa ating barangay health center. Maghintay lamang po tayo ng anunsiyo hinggil sa iskedyul.
Para sa ating lahat ito!
#PoracPublicInformationOffice
#Resbakuna

Official Website of Municipality of Porac