Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Nasagip ang isang sanggol mula sa kaso ng human trafficking na kinasasangkutan umano ng kanyang mga magulang noong March 4, 2026 sa bayan ng Porac

Sa tulong ng Local Government Unit (LGU) ng Porac, matagumpay na naisagawa ang rescue operation upang mailigtas ang bata. Aktibong nakipagtulungan ang Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office upang matiyak ang agarang proteksyon at pangangalaga sa biktima.

Patuloy na mahigpit na nagbabantay at lumalaban ang Porac LGU laban sa mga kaso ng human trafficking upang maprotektahan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.

Nagpapaabot din ng pasasalamat sa Porac PNP sa kanilang mabilis na aksyon at pakikipagtulungan na naging susi sa matagumpay na pagsagip sa sanggol.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/17GRatzL6Z/

Official Website of Municipality of Porac