CONTACT US: + (045) 649 – 6027

National Validation para sa Seal of Good Local Governance o SGLG

Sumailalim sa National Validation para sa Seal of Good Local Governance o SGLG ang Bayan ng Porac ngayong araw ng Hwebes, September 1, 2022. Pinangunahan ni Mayor Jaime V. Capil kasama ni Vice Mayor Francis “Budoy” Tamayo, mga Department and Office Heads, SB Members, Porac PNP, BFP at DepEd ang pagsalubong sa mga validators mula Region 12 na sina LGOO V Jon Leo J. Licayan, CPA
LGOO IV Sheila Mae G. Kubik at CSO Architect Carlito Y Uy.
Ayon sa mensahe ng alkalde, ang SGLG ay isang prestihiyosong pagkilala sa malinis at matinong pamamahala sa ating bayan kaya naman ang mapabilang sa National Validation ay isa ng karangalan ngunit ang Bayung Porac kasama ang lahat ng mga nagpagod at naghanda para natatanging araw na ito ay determinadong makuha muli ang karangalan.
Nagbigay din ng pasalamat si Mayor Capil sa gabay na binigay ni MLGOO Ly Franni Lacanlale kasama ng mga staff at sa DILG Provincial Office sa pamumuno ni PD Myra Moral CESO V.
#BayungPorac
#SGLG

Opening Hours

  • Monday – Friday + 8 AM – 5 PM
  • Saturday and Sunday No Office

Copyright © 2020. Municipality of Porac, Province of Pampanga. All rights reserved.

Official Website of Municipality of Porac