PABATID SA PUBLIKO!
Alinsunod sa Executive Order No. 11, Series of 2025, ipatutupad ang TOTAL TRUCK BAN sa Porac-Angeles National Highway mula Hulyo 30 hanggang Hulyo 31, 2025 sa mga Barangay ng Sta. Cruz, Manibaug Paralaya, at Manibaug Libutad, bilang bahagi ng pagdiriwang ng pista sa Manibaug Paralaya, Manibaug Libutad, at Manibaug Pasig.
✅ Exempted ang mga sumusunod na sasakyan:
● Sasakyang pag-aari ng gobyerno
● Delivery trucks na may lamang essential goods tulad ng pagkain, gasolina, at pataba
● Trucks na papunta sa designated parking areas
Para sa kaligtasan at kaayusan ng trapiko, ang kautusang ito ay agad ipatutupad.
Maraming salamat po.
Please click link for more information:
https://www.facebook.com/share/p/1CDkK7EDzf/