
Pagbabakuna sa Ating mga Cabalen Mula sa Kategoryang A1-A5 Kasama ang Rest of Adult Population o ROAP
Tingnan: Ika-2 ng Nobyembre kasalukuyang binabakunahan ang atin mga cabalen mula sa kategoryang A1-A5 kasama ang rest of adult population o ROAP.
Sa Pangunguna ni Mayor Jing Capil, tuloy tuloy lang ang pagbabakuna dito sa Jose Songco Lapid Sports and Civic Center, Cangatba, Porac, Pampanga.
Maraming salamat sa ating mga frontliners na patuloy na nagsasagawa ng ating vaccination program sa pangunguna ni Dr. Edgar Cornelio Dizon Lacanlale OIC-MHO, Dr. Neil Galang San Andres MD MPH, Dr. Larry M. Fernando Chief of Hospital I, Mayors Office Staff, RHU Staff, BHW’s, Department of Health, Jose S. Lapid District, Hospital at mga Barangay Officials ng Barangay Cangatba sa pamumuno ni Kap. Vincent Lusung.
Nasa 1,800 ang bilang na inaasahang mababakunahan sa araw na ito.
Paalala:
Ang mga tinawagan at binigyan lamang ng form ang maaring pumunta at magpabakuna.
Wag kalimutang magsuot ng facemask at faceshield at panatilihin ang pisikal na distansiya pagpasok sa pagdadausan ng bakuna.
Para naman sa mga nagpalista at hindi pa natawagan, hintayin lamang po natin ang anunsyo hingil sa iskedyul tayo po ay nasa reserved list.
Para naman po sa mga hindi pa naka schedule pwede po tayong makipag-ugnayan sa ating barangay health center. Maghintay lamang po tayo ng anunsiyo hinggil sa iskedyul.
Para sa ating lahat ito!
#PoracPublicInformationOffice
#Resbakuna