PAGPAPAHAYAG NG TEAM BAYUNG PORAC!
Ngayong Setyembre 23, 2024, Lunes, sa idinaos na Municipal Flag Ceremony, nagpakita ng buong suporta kay Mayor Jing Capil ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Jovy Venzon, Konsehal Adrian “Papay” Carreon, Konsehal RC Canlapan, at Konsehal Joy David. Pinagtibay nila ang kanilang katapatan at suporta sa administrasyong Bayung Porac.
Samantala, nagpaalam sina Konsehal Hilario “Ayot” Dimalanta at Konsehal Myla Clarete na hindi na sila tatakbo sa halalan ng 2025. Ipinahayag din ni Konsehal Bong Buan ang kanyang desisyong lumipat sa ibang partido.
Masayang tinanggap ni Mayor Capil ang kanilang mga pahayag at ipinakilala rin sa publiko si Executive Assistant IV Jun Simbillo, na magiging bahagi ng Team Bayung Porac bilang kandidato sa pagka-konsehal. Muling ipinahayag ni Vice Mayor Francis “Budoy” Tamayo ang kanyang buong suporta kay Mayor Capil, na nagbibigay-daan sa kandidatura ni Jen Capil para sa pagka-Bise Alkalde. Si Vice Mayor Tamayo naman ay tatakbo bilang konsehal ng bayan ng Team Bayung Porac.