PAGPUPUGAY SA MGA NATATANGING NAKATATANDANG MAMAMAYAN NG PORAC
Pinarangalan ni Mayor Jaime “Jing” Capil ang dalawang natatanging nakatatandang mamamayan ng Bayan ng Porac bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay at mahalagang bahagi sa ating komunidad.
Kabilang sa mga pinarangalan sina Gng. Teofila Dimalanta, 98 taong gulang, mula sa Barangay Pio, at Gng. Marcelina Yusi, 100 taong gulang, mula sa Barangay Babo Pangulo.
Ang kanilang mga buhay ay sumasalamin sa karanasan, karunungan, at mga aral na nagsisilbing inspirasyon sa susunod na henerasyon.
Isang taos-pusong pagpupugay sa ating mga minamahal na nakatatanda! Patuloy na pinahahalagahan ng Pamahalaang Bayan ng Porac ang kanilang mahalagang ambag at patuloy na nagbibigay-pugay sa kanilang buhay at pamana.
Bayung Porac, Serbisyong May Pagmamahal 
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19x2Cv1M1z/