Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

PAGPUPULONG KASAMA NG OFW FAMILY CIRCLE ASSOCIATION

Binisita ng Porac OFW Family Circle Association si Mayor Jing Capil upang talakayin ang iba’t ibang programa at inisyatibong makatutulong sa ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya. Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga OFW.
Ipinahayag din nina Mayor Capil at ng asosasyon ang kanilang patuloy na pakikipagtulungan upang masigurong maramdaman ng mga OFW at kanilang pamilya ang malasakit at serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Sa ganitong hakbang, patunay ang Pamahalaang Bayan ng Porac at OFW Family Circle Association na patuloy nilang tinataguyod ang kapakanan at kinabukasan ng mga Poraqueñong OFW kahit saang panig man ng mundo sila naroroon.
Porac OFW Family Circle Association (POFCA) Officers
=> Gaudencio Manalili (POFCA Founder, Adviser)
=> Levi L. Buan – President
=> Benito Canlas – Vice President
=> Ronnie Camarote – Auditor
=> Jenny Asuncion-Ingal – Secretary
=> Teresita Torres – Treasurer
=> Leonora Mangiliman – Business Manager
=> Engr. Cris Gamulo – Adviser
=> Pruds Garcia – Adviser

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1KQiZsnsS5/

Official Website of Municipality of Porac