Pagpupulong ng Local Development Council
Tingnan: Pagpupulong ng Local Development Council sa pangunguna ni Mayor Jaime “Jing” V. Capil ngayong araw dito sa Command Center, Porac, Pampanga.
Sa pagpupulong, tinalakay ng LDC ang mga mahahalagang bagay tulad ng pagsang-ayon sa mga proyektong nangangailangan ng mga pagbabago at pag-aayos sa Annual Investment Program (AIP). Layunin nito ang mas epektibong alokasyon at pagbibigay prayoridad sa mga programa para sa mga Poraqueño.
Kasama din sa pagpupulong sina Atty. Michelle Africa – Chamaret, Engr. Glenn Lansangan, Pastora Lisa Mallari – CSO, at ABC President Joel V. Capil, DILG MLGOO Ly Franni Lacanlale, MSWD Officer Jhoanne Arcega, mga Punong Barangays at mga kinatawan mula sa Planas High School.
READ MORE: https://www.facebook.com/share/p/tmwzXA5rungW6rgA/