Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

PAGPUPULONG PARA SA MGA PROYEKTO SA LOCAL SCHOOL BOARD

Pinangunahan ni Municipal Mayor at Local School Board Chairperson, Hon. Jaime V. Capil, ang isinagawang buwanang pagpupulong ng Local School Board (LSB), kasama si Vice Mayor Jen Capil, at si Councilor Francis “Budoy” Tamayo, Chairperson ng Committee on Education.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga sumusunod na mahahalagang adyenda:
✅Pag-uulat ng mga naisagawang programa at accomplishments
✅Reorganisasyon ng Local School Board alinsunod sa Executive Order No. 131-2026
✅Iminungkahing proyekto para sa paglalagay ng ceiling fanas upang higit na mapabuti ang kaginhawaan ng mga mag-aaral at ang paglaan ng pondo para sa pagkukumpuni ng mga silid-aralan na nasira buhat ng nagdaang Habagat
 
Official Website of Municipality of Porac