PAGTUGON SA EPEKTO NG BAGYO AT HABAGAT, PINAGTULUNGAN SA DRRM COUNCIL MEETING
PAGTUGON SA EPEKTO NG BAGYO AT HABAGAT, PINAGTULUNGAN SA DRRM COUNCIL MEETING Nagpatawag ng pulong ngayong araw si Mayor Jing Capil kasama ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) upang talakayin ang mga pinsala at epekto na naitala sa ilang lugar sa Bayan ng Porac dulot ng pinagsamang epekto ng Typhoon Luis, Typhoon Maymay, at pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat). Sa nasabing pagpupulong, sinuri ang kasalukuyang kalagayan ng mga apektadong komunidad, kabilang ang mga pinsala sa imprastraktura, kabuhayan, at iba pang pangangailangan ng mga residente. Tinalakay rin ang mga kinakailangang agarang hakbang upang matiyak ang mabilis na pagtugon, koordinasyon, at pagbibigay ng kaukulang tulong sa mga pamilyang naapektuhan. Binigyang-diin ni Mayor Jing ang kahalagahan ng mabilis, organisado, at sama-samang pagkilos ng bawat tanggapan at ahensya upang maprotektahan ang buhay, kabuhayan, at kaligtasan ng bawat Poraqueno. Sa panahon ng kalamidad, nananatiling mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan
Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1FYwscRJz3/