
“PALENGKE ATING LINISIN. COVID-19 AY SUGPUIN”
Matagumpay na isinagawa ng Model Community Market Vendors Association Inc. ang araw ng paglilinis sa pamilihang bayan ng Pio Model Community. Ang naturang proyekto ay may temang “PALENGKE ATING LINISIN. COVID-19 AY SUGPUIN.”
Sa pangunguna ni Mayor Jaime “Jing” V. Capil, buong pwersang dinaluhan ng miyembro ng iba’t ibang department ang nasabing paglilinis. Mula sa MENRO, nagbigay ng mahalagang paalaala si Engr. Joceline Buan tungkol sa pagsunod sa Republic Act No. 9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000.”. Nagbigay din ng mga dust pan ang MENRO para magamit ng palengke. Dumalo din si Councilor Budoy Tamayo kasama si SK Vice President Jovy Venzon at nag-donate ng mga walis na magagamit sa paglilinis. Hindi naman nagpahuli ang Porac Fire Station sa pangunguna ni SFO3 Lumes E. Lumba sa pagsuporta sa proyektong ito. Kasama ang kanilang firetruck, pinangunahan nila ang flushing and power spraying sa buong gusali. Kasama din sa nasabing proyekto ang pagdalo ni Former Councilor Rey Gamboa na nagbigay ng pintura para sa painting ng palengke. Kaagapay din ang mga tauhan ng Pulisya ng Porac na pinangunahan ni PLTCOL Ferdinand Alejo sa peace and order ng paglilinis.
Ikinatuwa ng Pio Barangay Council ang nasabing proyekto na dinaluhan ni Kap. Ayot Dimalanta at ng kanyang mga kagawad Melchor Canlapan, Remento Garung at Jovic Santiago. Malugod na pinasalamatan ng pamunuan ng Model Community Market Vendors Association Inc. , Public Market Supervisor Crisanto Roma at Mr. Taps Laxamana bilang kinatawan ni Mayor Jing Capil ang tagumpay ng proyektong ito na isa sa mga magagandang plano na nailunsad ng Bayung Porac Administration.