PANUNUMPA NG MGA OPISYAL NG IBA’T IBANG ORGANISASYON SA STA. CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
Nagpaunlak si Mayor Jaime “Jing” V. Capil sa paanyaya ng Sta. Cruz Elementary School upang pangunahan ang oath-taking ceremony ng mga halal na opisyal ng iba’t ibang organisasyon ng paaralan.
Kabilang sa mga nanumpa ang mga opisyal ng YES-O (Youth for Environment in Schools Organization), SELG (Supreme Elementary Learner Government), SGC/CPC (School Governing Council/Child Protection Committee), Classroom PTA, SPTA (School Parent-Teacher Association), at Teachers Club Association.
Ang seremonya ay pinangunahan ni School Principal Sir Pepito Liscano, kasama si Coun. Francis “Budoy” Tamayo, Chairman ng Committee on Education.
Ang gawaing ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsusulong ng pamumuno, pananagutan, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral, guro, magulang, at iba pang katuwang ng paaralan tungo sa mas maunlad at ligtas na kapaligirang pang-edukasyon.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Ew4dvxPMQ/