Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Pastors Appreciation and Thanksgiving Day

 

Nakibahagi sina Mayor Jaime “Jing” V. Capil, Vice Mayor Trisha Angelie “Jen” G. Capil, at Councilor Papay Carreon sa ginanap na Pastors Appreciation and Thanksgiving Day ng Porac Ministerial Fellowship (PMF).

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Jing ang taos-pusong pasasalamat sa mga PMF Pastors sa kanilang walang-sawang panalangin, suporta, at pakikiisa para sa kapakanan ng Pamahalaang Bayan at ng buong pamayanan ng Porac.
Bilang pagkilala naman sa kanilang patuloy na suporta at pakikipagkaisa sa mga pastor at sa kanilang mga ministeryo, iginawad ng Porac Ministerial Fellowship kay Mayor Jing at Vice Mayor Jen ang Certificate of Appreciation.
Patuloy na pinahahalagahan ng Pamahalaang Bayan ng Porac ang pagkakaisa ng pamahalaan at faith-based organizations sa pagsusulong ng isang matino, mahusay, at may takot sa Diyos na pamayanan.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng PMF Pastors sa inyong paglilingkod, panalangin, at patuloy na paggabay sa ating komunidad.
 
Official Website of Municipality of Porac