Pinangunahan ni Porac Mayor Jaime “Jing” V. Capil ang pagpupulong ng Bayung Porac Multi-Partite Monitoring Team (MMT)
Pinangunahan ni Porac Mayor Jaime “Jing” V. Capil ang pagpupulong ng Bayung Porac Multi-Partite Monitoring Team (MMT) nitong Miyerkules na ginanap sa Porac Municipal Hall, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang bayan na mapangalagaan at maprotektahan ang kalikasan.
Kasama ni Mayor Capil sa nasabing pagpupulong sina Engr. Nestie Mendiola, kinatawan ng EMB-DENR; Engr. Rommel Santiago ng PENRO-DENR; Sangguniang Bayan Committee Chair on Environment Adrian “Papay” Carreon; MENRO Officer Engr. Hernandez, mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng munisipyo, mga Punong Barangay, mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, mga lider ng relihiyosong grupo; at mga kinatawan ng non-government organizations (NGOs).
Layunin ng pagpupulong na higit pang palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at sektor upang matiyak ang mahigpit na pagbabantay at pangangalaga sa kapaligiran ng Bayan ng Porac.
#MayorJingCapil
#BayungPorac
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Bh5WtRQW4/





