
Pinulong ni Mayor Jing Capil ang samahan ng magsasaka at magbubukid
Pinulong ni Mayor Jing Capil ang samahan ng magsasaka at magbubukid na apektado sa abnormal na daloy ng ilog dulot ng siltation o polusyon sa tubig. Ito ay upang ayusin ang kasalukuyang kalagayan ng ilog na dumadaloy sa mga barangay ng Hacienda Dolores, Cangatba, Poblacion, Jalung, Pio at Planas.
Inatasan ng ating alkalde si Engr. Glenn Lansangan – Municipal Engineer na pangunahan ang proyekto sa rehabilitasyon ng ilog. Maglulunsad ng agarang survey upang matukoy ang mga kritikal na parte ng ilog.