
Porac Jeepney Transport Federation Oath Taking Ceremony
Nitong Hulyo 24, 2021, pormal na nanumpa sa harap ni Mayor Jaime “Jing” V. Capil ang kauna-unahan at bagong tatag na Porac Jeepney Transport Federation na naglalayong magbigay ng pormal at sapat na representasyon ng mga jeepney driver ng Porac at ng kanilang kanya kanyang asosasyon. Ang nasabing panunumpa sa katungkulan ay pinaunlakan ng respetado at hinahangaang pinuno ng mga public transport association sa Confederation of Passenger Transport in Central Luzon (CPTCL) na si Chairman Danilo C. Yumul.
Kasama ding dumalo sa nasabing pangyayari sina Coun. Francis “Budoy” Tamayo, Coun. Michelle Bengco, SK Pres. Mikhaela Canlas, Kap. Noel Manalo, Kap. Papay Carreon, Kap. Bong Buan, Private Sec. to the Mayor Mr. Robert Canlas, at Special Assistant to the Mayor, Mr. Taps Laxamana. Nauna ng nanumpa sa nasabing araw ang Porac Federation of Tricycle Operators and Drivers Associations Inc. na kabilang din sa mga kauna-unahang SEC registered na mga marginalized sector ng Porac sa liderato ni Mayor Jing Capil.
#BayungPorac
#PoracPublicInformationOffice