Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

PORAC LGU, MAGPAPATUPAD NG COMPRESSED WORK WEEK

Ipapatupad ng Pamahalaang Bayan ng Porac ang 4-Day Compressed Work Week sa Munisipyo simula March 16, 2026, alinsunod sa Executive Order No. 77.

Sa ilalim ng naturang kautusan, bukas ang mga tanggapan ng Munisipyo mula Lunes hanggang Huwebes, mula 7:30 ng umaga hanggang 6:30 ng gabi.

Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 114, S. 2026 ng Office of the President na nagpapatupad ng energy conservation protocol sa mga tanggapan ng gobyerno.

Gayunpaman, hindi saklaw ng nasabing polisiya ang mga tanggapan na may frontline services, kabilang ang mga opisina na nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, emergency response, at iba pang operational offices. Mananatili ang kanilang regular na oras ng trabaho mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/171ikpMV4m/

Official Website of Municipality of Porac