Proyekto para sa pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan para sa patuloy na pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa Bayan ng Porac.
Pinangunahan ni Mayor Jaime “Jing” Capil ang Municipal/Barangay Agricultural and Fisheries Council (MAFC/BAFC) Oathtaking Ceremony kasama si Municipal Agriculturist Engr. Joceline Buan ,bilang pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan para sa patuloy na pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa Bayan ng Porac. Kabilang sa mga dumalo at naging bahagi ng makabuluhang okasyon sina
• Rodel Simbulan – MAFC Chairperson
• Hon. Francis Laurence C. Tamayo – Sangguniang Bayan Member, Committee on Agriculture
Sa pamamagitan ng MAFC at BAFC, patuloy na isusulong ang mga programa, proyekto, at inisyatiba na makatutulong sa ating mga magsasaka, mangingisda, at iba pang stakeholders sa sektor ng agrikultura.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HCqFFUXrx/