Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Re-Routing One (1) Way Traffic Scheme

Tiningnan ni Mayor Jaime ‘Jing’ V. Capil ang kasalukuyang sitwasyon ng one (1) way traffic scheme dulot ng kasalukuyang reblocking works ng DPWH 2nd District Engineering Office sa Angeles-Porac National Highway mula sa may tulay ng Manibaug Paralaya (Porac New Cockpit Arena) hanggang sa may kanto ng Aguas Subd.
Nagbigay ng rekomendasyon ang ating Alkalde ng clearing operation katulad ng pag alis ng mga obstruction sa daan. Pasamantala munang padadaanin ang mga naka motorsiklo at tricycle upang mapagaan ang daloy ng trapiko.
Maaari din po tayong dumaan sa alternatibong ruta tulad Brgy. Lara dito sa Megadike o kaya naman dito SCTEX Porac, upang maiwasan ang pagbigat ng trapiko.
Hinihingi din ang lubos na pag unawa ng mga motorista at commuters sa ginagawang proyekto na pinonduhan at pinatutupad ng DPWH at makaka-asa ang mga Poraquenos na naka antabay ang lokal na pamahalaan para magawan ng paraan ang mga magiging balakid sa nasabing one way traffic scheme.
#PoracPublicInformationOffice
#BayungPorac

Official Website of Municipality of Porac