Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Recent Earthquake Activity in Pinatubo Volcano

Naglabas ng advisory ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOCS hinggil sa namonitor nilang mga pagyanig sa Mt. Pinatubo.Ayon sa ahensya, simula January 20, 2021 nakapag tala sila ng aabot sa 826 na imperceptible o hindi namamalayang pagyanig sa east-northeast ng Pinatubo volcano sa bisinidad ng Mabalacat City.
Ang pinaka malakas sa mga naturang pagyanig ay naitala nitong January 25 na nasa pagitan ng magnitude 1.0 hanggang 2.5 at may lalim na 15-28 kilometers.

Sa kabila nito nananatili naman sa Alert level 0 ang Pinatubo volcano at inactive pa rin ang kondisyon nito.
Bagaman walang banta sa komunidad na nakapaligid sa bulkan ang mga nararanasang pagyanig, pinaalalahanan pa rin ng PHILVOCS ang publiko at local governments na palaging maging handa sa lindol at volcanic hazard, at magsilbing aral ang nangyari noon.

Official Website of Municipality of Porac