Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Resbakuna Update: Ika-21 ng Hulyo


Resbakuna Update: Ika-21 ng Hulyo, kahit na umuulan ay tuloy tuloy lang ang pagbabakuna dito sa Jose Songco Lapid Sports and Civic Center, Cangatba, Porac, Pampanga.
Through the leadership of Mayor Jaime “Jing” V. Capil kasama sina Dr. Lilia M. Panlilio Municipal Health Officer, Dr. Neil Galang San Andres MD MPH, Dr. Edgar Cornelio Dizon Lacanlale MD, Dr. Larry M. Fernando Chief of Hospital I at ang ilang kinatawan mula sa Department of Health, Jose S. Lapid District Hospital.
Ang ating mga Senior Citizens (A2) at Persons with Comorbidities (A3) o yung mga taong mayroong sakit o karamdaman ang mababakunahan sa araw na ito para sa kanilang 2nd dose na nasa 240.
Paalala:
Ang mga tinawagan at binigyan lamang ng form ang maaring pumunta at magpabakuna.
Wag kalimutang magsuot ng facemask at faceshield at panatilihin ang pisikal na distansiya pagpasok sa pagdadausan ng bakuna.
Para naman sa mga nagpalista at hindi pa natawagan, hintayin lamang po natin ang anunsyo hingil sa iskedyul tayo po ay nasa reserved list.
Para naman po sa mga hindi pa naka schedule pwede po tayong makipag-ugnayan sa ating barangay health center. Maghintay lamang po tayo ng anunsiyo hinggil sa iskedyul.
Para sa ating lahat ito!
#PoracPublicInformationOffice
#Resbakuna

Official Website of Municipality of Porac