
Resbakuna Update: Ika-23 ng Agosto
Resbakuna Update: Ika-23 ng Agosto, kasalukuyang binabakunan ang ating mga Cabalen na nasa kategoryang A1, A2, A3 & A4 dito sa Jose Songco Lapid Sports and Civic Center, Cangatba, Porac, Pampanga.
Sa pangunguna ni Mayor Jaime “Jing” V. Capil siya po ay nagpapasalamat sa ating mga frontliners na patuloy na nagsasagawa ng ating vaccination program sa pangunguna ni Dr. Lilia M. Panlilio Municipal Health Officer, Dr. Neil Galang San Andres MD MPH, Dr. Edgar Cornelio Dizon Lacanlale MD, Dr. Larry M. Fernando Chief of Hospital I, Mayors Office Staff, RHU Staff, BHW’s at ang ilang kinatawan mula sa Department of Health, Jose S. Lapid District Hospital.
Nasa 389 ang bilang na inaasahang mababakunahan sa araw na ito.
Paalala:
Ang mga tinawagan at binigyan lamang ng form ang maaring pumunta at magpabakuna.
Wag kalimutang magsuot ng facemask at faceshield at panatilihin ang pisikal na distansiya pagpasok sa pagdadausan ng bakuna.
Para naman sa mga nagpalista at hindi pa natawagan, hintayin lamang po natin ang anunsyo hingil sa iskedyul tayo po ay nasa reserved list.
Para naman po sa mga hindi pa naka schedule pwede po tayong makipag-ugnayan sa ating barangay health center. Maghintay lamang po tayo ng anunsiyo hinggil sa iskedyul.
Para sa ating lahat ito!
#PoracPublicInformationOffice
#Resbakuna